Ruta ng Bisikleta sa Beacon Hill
繁体字 • Español • Tagalog • Tiếng việt • English
Nabagong-kaalaman: martsa 18, 2022
Ano ang Nangyayari sa Ngayon?
Kami ay nasa maagang yugto ng disenyo para sa lahat ng tatlong mga bahagi para sa Ruta ng Bisikleta sa Beacon Hill.
Kami ay nasasabik na ihayag ang hilagang bahagi ng ruta pagkatapos magsagawa ng mga pag-aaral sa trapiko, banggaan, at pagparada, at pakikinig sa higit 500 mga miyembro ng komunidad at higit sa 30 naka-base sa komunidad na samahan mula sa tag-init 2020. Aming napili ang 15th Ave bilang hilagang bahagi ng ruta ng bisikleta sa kadahilanan na:
- Ito ang pinaka patag at pinaka direktang daan sa pagitan ng mga mahalagang destinasyon.
- Ito ay may pinakamaliit na epekto sa priority transit.
- Ito ay pinili ng halos dalawa sa tatlo ng mga miyembro ng komunidad na nakikibahagi.
- Naaayon ito sa kagustuhan ng komunidad para sa pagka-kalma ng trapiko at higit pang mga tawiran ng manlalakbay sa kahabaan ng koridor na ito.
Basahin ang aming Planning Outreach Summary report upang malaman ang higit pa tungkol sa malawak na tugon na nakuha tungkol sa mga kagustuhan na ruta at mga katangian ng disenyo para sa proyekto na ito.
Ipinagpapatuloy namin ang aming mga aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa distrito ng negosyo ng Beacon Hill, kumokonekta sa mga kapitbahay sa 15th Ave S, at tinutukoy ang iba pang mga pagkakataon sa pakikipag-uganayan ng komunidad para sa 2022.
Kami ay naghahanap ng tugon tungkol sa ruta at ang mga katangian nito. Panuorin ang aming 3-minutong bidyo upang malaman ang higit pa.
ProyektoPaglalarawan
Ang SDOT ay gumagawa ng isang ruta ng bisikleta na baha-bahagi, mula sa Dr. Jose Rizal Bridge hanggang sa interseksyon ng Beacon Ave S at 39th Ave S. Ang Bahagi 1 ay lalawig mula sa Dr. Jose Rizal Bridge hanggang sa S Spokane St, ang Bahagi 2 ay sumasaklaw sa S Spokane St hanggang Myrtle St, at ang Bahagi 3 ay magmumula sa S Myrtle hanggang S 39th St. Isinasaalang-alang ng lungsod ang iba't ibang mga pagpapabuti ng bisikleta, kabilang ang mga protektadong daanan ng bisikleta at mga greenway ng kapitbahayan. Ang konstruksiyon ay inaasahan na magsimula sa 2023.
Pangkalahatang-ideya ng Proyekto
Noong 2019, ang SDOT ay nakipagsosyo sa Department of Neighborhoods (DON) upang bumuo ng pakikipag-ugnayan sa paligid ng Syudad upang malaman ang tungkol sa mga priyoridad ng komunidad upang magkaroon ng mga lugar para sa bisikleta sa kanilang komunidad. Ang pagsusumikap sa pakikipag-ugnayan na ito ay nagbigay ng paraan upang makinig sa mga miyembro ng komunidad, maunawaan kung paano napagtanto ang plano sa pagpapatupad, at mangolekta ng mga ideya kung paano namin mapapabuti ang plano. Nalaman din namin ang tungkol sa kung paano magiging mas tumutugon ang trabaho sa hinaharap sa mga pangangailangan ng komunidad. Malinaw naming narinig na mahalagang magkaroon ng mas maraming ruta sa Southeast Seattle upang ikonekta ang mga tao sa kapitbahayan at mga job center, partikular sa Beacon Hill. Ang Proyekto ng Ruta ng Bisikleta sa Beacon Hill ay nilikha bilang tugon sa aming narinig. Ang layunin ng proyekto na ito ay lumikha ng isang ligtas at komportableng ruta ng bisikleta na nag-uugnay sa mga tao sa mga negosyo at destinasyon ng komunidad sa Beacon Hill. Ang proyekto ng bike na ito ay patuloy na bumubuo ng network ng bisikleta na kumukonekta sa mga bagong daan ng bisikleta sa S Columbian Way, S Myrtle St, at sa Chief Sealth Trail. Nagpaplano kami ng ruta ng bisikleta sa Beacon Hill dahil natukoy namin ang lugar bilang isang mataas na priyoridad na koridor para matugunan ang mga sumusunod na pangangailangan sa transportasyon at komunidad:
- Ang proyekto na ito ay mag-aambag sa layunin ng Vision Zero ng Lungsod na wakasan ang mga pagkamatay sa trapiko at malubhang pinsala.
- Magbigay ng mas magandang koneksyon sa hilaga/timog na bisikleta sa timog-silangang Seattle.
- Pagbutihin ang kaligtasan ng pedestrian at bisikleta at mga koneksyon sa transit.
Bagama't may iba pang umiiral na mga ruta ng bisikleta sa malapit, ang ibang mga rutang ito ay hindi kumokonekta sa parehong mahahalagang destinasyon ng komunidad.
Palatakdang oras ng Proyekto
Mga Detalye ng Proyekto
Bahagi 1
Bahagi 1 lalawig mula sa Dr. Jose Rizal Bridge hanggang S Spokane St at nagkokonekta sa Hilagang kapitbahayanan ng Beacon Hill.
Mga Bagay na Interesado ang Komunidad
Bahagi 2
Matatagpuan ang Bahagi 2 sa kahabaan ng Beacon Ave S mula S Spokane St hanggang S Myrtle St. Dumadaan ito sa Jefferson Park at kumukonekta sa gitnang median trail sa gitnang Beacon Hill.
Mga Bagay na Interesado ang Komunidad
Kadalasan S Spokane St hanggang S Alaska St
Minumungkahi S Spokane St hanggang S Alaska St
Tandaan: ang mga cross section ay hindi sa sukat.
Bahagi 3
Ang Bahahi 3 ay sa pagitan ng S Myrtle St at S 39th St sa Timog ng Beacon Hill. Ang lugar na ito ay mas halos tirahan.
Mga Bagay na Interesado ang Komunidad
Kadalasan S Ferdinand St hanggang S 39th St
Minumungkahi S Ferdinand St hanggang S 39th St
Tandaan: ang mga cross section ay hindi sa sukat.
Pakikilahok ng Komunidad
Sa panahon ng mga yugto ng pagpaplano, disenyo, at pagtatayo ng aming proyekto, nagsasagawa kami ng inklusibong pakikipag-ugnayan sa komunidad at nagsusumikap na balansehin ang iba't ibang mga pangangailangan na ipinakita ng mga pampublikong komento na natatanggap namin sa bawat hakbang ng aming mga proseso ng outreach. Ang talahanayan sa ibaba ay nagbubuod sa aming paparating na mga aktibidad sa pakikipag-ugnayan.
- Tag-lamig 2021/2022: distrito ng negosyo sa North Beacon Hill -pangangalap ng tugon tungkol sa pag-akseso at mga pangangailangan sa paradahan
- Tag-init 2021: Kapitbahayanan at mga pampublikong pagpupulong - pangangalap ng tugon at mga ideya tungkol sa paggamit nitong abalang koridor
- Nobyembre 2020: Online drop-in session - mga pagpipiliang Bahagi 2 at 3, sagutin ang mga katanungan at mangalap ng tugon mula sa komunidad
- Agosto 2020: Online drop-in session - ipakilala ang proyekto, ibahagi ang mga pagpipilian sa ruta ng Bahagi 1, sagutin ang mga tanong at mangalap ng tugon mula sa komunidad
- Kasalukuyan: Pakikipag-ugnayan sa Negosyo - paguusap tungkol sa mga epekto ng proyekto, magbigay ng impormasyon sa proyekto at mga napapanahon na ulat at mangalap ng tugon
- Kasalukuyan: Pakikipag-ugnayan ng Stakeholder - magbigay ng mga napapanahon na ulat sa proyekto at mangalap ng tugon sa komunidad
- Kasalukuyan: mga Pag-uupdate ng E-mail -mga napapanahong ulat ng proyekto
Proseso ng Pag-priyoridad sa Network ng Bisikleta
Ang proyekto ng Ruta ng Bisikleta sa Beacon Hill ay binigyan ng priyoridad batay sa pampublikong puna at mga aksyon ng Konseho ng Lungsod sa nakalipas na ilang taon. Noong 2019, nagdaos ang SDOT at DON ng apat na pagpupulong ng komunidad sa buong lungsod upang malaman ang tungkol sa mga priyoridad ng mga tao para sa pagbuo ng network ng bike. Sa pakikipag-ugnayan na iyon, pati na rin ang pakikipag-isa sa Seattle Bicycle Advisory Board, mahigpit na inirerekomenda na bumuo ng koneksyon sa bisikleta hindi lamang sa 12th Ave S sa pagitan ng Capitol Hill at Beacon Hill, ngunit sa loob mismo ng Beacon Hill upang lumikha ng mas malaking koneksyon sa pagitan ng timog-silangan ng Seattle at downtown.
Ang Beacon Hill ay partikular na kinilala sa panahon ng outreach na iyon bilang priyoridad ng mga tagapagtaguyod ng kaligtasan ng komunidad at transportasyon (tignan ang mga pahina 13-14 ng 2019 Bicycle Master Plan Implementation Plan para sa buod) Bilang karagdagan, sa panahon ng proseso ng badyet sa 2019, ang Konseho ng Lungsod ay naglaan ng pagpopondo upang unahin ang pagbuo ng koneksyon sa bisikleta sa timog-silangang Seattle.
Pagpopondo
Ang Opisina ng Alkalde ay nagbigay ng karagdagang $10.33M mula sa pagbebenta ng Mercer Megablock sa pagtatayo ng mga pasilidad ng bisikleta na priyoridad ng komunidad, kabilang ang koneksyon ng Beacon Hill sa Downtown. Ang proyektong ito ay bahagyang popondohan ng 9 na taong Levy to Move Seattle, na inaprubahan ng mga botante noong 2015. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Levy to Move Seattle.
Mga materyales
Upang tingnan ang isang PDF ng mga materyal na nauugnay sa proyekto, mangyaring mag-click sa mga link na ibinigay sa ibaba.
- Tag-init 2021 Outreach Invite Mailer
- Nobyembre 2020 Buod ng Pakikipag-ugnay
- Nobyembre 2020 Drop-in Session Q&A
- Oktubre 2020 Mga Bahagi 2 at 3 Maagang Pagpaplano ng Drop-in Session Invite Postcard
- Agosto 2020 Buod ng Pakikipag-ugnay
- Agosto 2020 Drop-in Session Q&A
- Hulyo 2020 Maagang Pagpaplano ng Drop-in Session Invite Mailer
- Fact Sheet ng Proyekto (Ingles)
- Fact Sheet ng Proyekto (Espanyol)
- Fact Sheet ng Proyekto (Simplified Chinese)
- Fact Sheet ng Proyekto (Tradisyonal Chinese)
- Fact Sheet ng Proyekto (Tagalog)
- Fact Sheet ng Proyekto (Vietnamese)
- Mapa ng Proyekto (Lahat ng mga Bahagi)
- Mapa ng Bahagi 1
- Mapa ng Bahagi 2
- Mapa ng Bahagi 3