[Tenant Improvement Program] Programa sa Pagpapabuti ng Nangungupahan

Na-update 4/28/2025

Nasasabik kaming makapag-alok ng dalawang uri ng mga bungkos ng gantimpala sa pamamagitan ng aming 2025 Programa sa Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Program) upang suportahan ang mga maliliit na negosyo sa Seattle. Ang aming layunin ay tulungan ang mga negosyo na mabawasan ang mga pagsubok sa pananalapi na nauugnay sa mga karatula at kagamitan. Ang mga bungkos ng gawad sa pang-karatula at kagamitan ay magsasaklaw sa gastos ng pagpapalit ng mga mahahalagang gamit o pag-papabago ng kagamitan upang matulungan ang mga negosyo na palawakin ang kanilang mga serbisyo at madagdagan ang kita.

Mangyaring suriin ang buong mga kakailanganin sa pagiging karapat-dapatat mga detalye sa ibaba bago mag-aplay para sa isang bungkos ng gawad ng pang-karatula o kagamitan.

Mga sesyon ng impormasyon

Magkakaroon ng mga sesyon ng impormasyon upang ilarawan ang pagkakataong ito sa pagpopondo at sagutin ang mga katanungan. Ang mga sumusunod na birtwal na sesyon ay Webex ang magho-host at mag-tatala:


Ang mga aplikasyon ay maaaring i-abot hanggang sa Martes, Mayo 27, 2025, 5 ng hapon.

 


Tumalon sa isang seksyon

  1. Mga kakailanganin sa pagiging karapat-dapat
  2. Mga bungkos ng pang-karatula
  3. Bungkos sa Kagamitan
  4. Proseso ng aplikasyon
  5. Mga Materyales ng Aplikasyon
  6. Mga Kadalasan na mga Katanungan
  7. Mga Kadalasan na mga Katanungan

 

Mga kakailanganin sa pagiging karapat-dapat

Kwalipikado ang inyong negosyo para sa suporta kung natutugunan ninyo ang lahat ng mga kakailanganin:

  • Ito ay isang para sa kumikita, independiyenteng pagmamay-ari ng negosyo (hindi isang prankisya o hanay).
  • Nagbibigay ito ng benepisyo sa komunidad na maaari ninyong ipakita (hal., paglikha ng mga trabaho, pagsuporta sa mga kaganapan, o pagbibigay ng pagkain).
  • Ito ay tumatakbo nang hindi bababa sa dalawang taon.
  • Mayroon kayong hindi bababa sa tatlong taon na karanasan sa negosyo o industriya.
  • Ang inyong negosyo ay mayroong isang aktibong Lisensya ng Negosyo sa Lungsod ng Seattle.
  • Kayo'y nakapag-hain na ng mga buwis sa Negosyo at Trabaho sa Lungsod.
  • Binayaran niyo na ng buo ang lahat ng buwis o gagawin ito sa loob ng dalawang buwan mula nang kayo'y napili para sa gantimpala.

Dapat ding matugunan ng inyong negosyo ang mga sumusunod na kakailanganin sa lokasyon at laki:

  • Ang inyong negosyo ay matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng lungsod ng Seattle.
  • Nagpapatakbo kayo ng dalawa (2) o mas kaunti na mga lokasyon.
  • Ang inyong negosyo ay mayroong mas kaunti sa 50 full-time na katumbas na mga empleyado.
  • Ang inyong negosyo ay may taunang pangkalahatang kita (gross revenue) na mas mababa sa $2 milyong dolyar.

Ang mga negosyong HINDI karapat-dapat na mag-aplay para sa Programa sa Pagpapabuti ng Nangungupahan ay kinabibilangan ng:

  • Mga negosyong matatagpuan sa unincorporated King County
  • Mga "Adult entertainment" na negosyo na pinamamahalaan sa ilalim ng Seattle Municipal Code 6.270
  • 501 (c) (3), 501 (c) (6) o 501 (c) (19) mga entidad na walang kinikita

 

Mga bungkos ng pang-karatula

Mga bungkos ng pang-karatula (gantimpala na pera hanggang $15,000)

Ang gantimpala na pera na ito ay maaaring makatulong sa isang pangkasalukuyang negosyo sa pagbili ng mga bagong panlabas na karatula.

  • Ang gantimpala na ito ay dapat gamitin sa panlabas na karatula para sa inyong komersyal na negosyo.
  • Hindi saklaw ng gantimpalang ito ang pag tatayo ng karatula.
  • Dapat patunayan ng mga nagwagi ang kakayahang magbayad para sa gastos pang-trabaho at pag-tatayo.
  • Dapat matugunan ng aplikante ang lahat ng mga patakaran tungkol sa pagiging karapat-dapat, lokasyon, at laki ng negosyo upang mabigyan-konsiderasyon para sa gantimpalang ito.
  • Ang negosyo ay dapat na makapagsimula sa pag-tatayo sa loob ng tatlong (3) buwan mula sa pag-pirma ng kontrata ng paggagantimpala.

 

Bungkos sa Kagamitan

Bungkos sa Kagamitan (gantimpala na pera hanggang $50,000)

Ang gantimpalang pera na ito ay makakatulong sa isang pangkasalukuyang negosyo na may mga nabiling kagamitan.

  • Ang kagamitan ay dapat na bilhin mula sa isang komersyal na tagapagtustos ng kagamitan.
  • Dapat matugunan ng aplikante ang lahat ng mga patakaran tungkol sa pagiging karapat-dapat, lokasyon, at laki ng negosyo upang mabigyan-konsiderasyon para sa gantimpalang ito.
  • Ang negosyo ay dapat na makapagsimula sa pag-tatayo sa loob ng tatlong (3) buwan mula sa pag-pirma ng kontrata ng paggagantimpala.

 

Proseso ng aplikasyon

Ang mga aplikasyon ay hanggangMartes, Mayo 27, 2025, ng 5 ng hapon.

Ipadala ang inyong mga aplikasyon sa pamamagitan ng online portal. Ang mga aplikasyon na ipinadala pagkatapos ng takdang panahon ay hindi bibigyan-konsiderasyon. 

Mga mahahalagang petsa

  • Lunes, Abril 28,2025: Magbubukas ang portal ng aplikasyon para sa Programa ng Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Program).
  • Martes, Mayo 27, 2025: Ang Aplikasyon para sa Programa ng Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Program) ay magsasara ng 5 ng hapon.
  • Hulyo 2025: Ang mga napili na aplikante ay ipapaalam at maaaring kailanganin na magbigay ng karagdagang impormasyon.

May magagamit na suporta sa iba pang mga wika

Ang mga tauhan na bilingwal ay maaaring sagutin ang mga katanungan at tulungan ang mga aplikante na makumpleto ang kanilang mga aplikasyon sa mga sumusunod na wika: Amharic, Intsik, Koreano, Somali, Espanyol, Thai, at Vietnamese.

Upang humiling ng mga serbisyo sa pagsasalin o interpretasyon, tumawag sa (206) 684-8090 at iwanan ang sumusunod na impormasyon sa isang voicemail:

  • Pangalan
  • Numero ng telepono
  • Ninanais na wika
  • Ang uri ng suporta sa pag-akseso sa wika na kailangan (pagsasalin ng dokumentong susulatan, pagsasalin sa telepono, atbp.)

Para sa personal na tulong sa pagkumpleto ng aplikasyon sa 2025 Programa ng Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Program) sa inyong wika, mangyaring makipag-ugnay sa aming mga kasosyo sa Lake City Collective.

  • Lake City Collective Center: 13525 32nd Ave NE, Seattle, WA 98125
  • Lunes, Miyerkules at Biyernes mula 8 a. m. hanggang 1 p. m., o sa pamamagitan ng paghiling ng oras upang makipagkita. Mangyari lamang na tumawag sa (206) 701-1470.

Mga pamantayan sa pagpili at proseso ng pagsusuri

Ang aming opisina, kasama ang aming mga kasosyo sa Grow Americasusuriin at bibigyan ng puntos ang mga aplikasyon batay sa kung paano nila maaapektuhan ang komunidad, pagiging handa ng proyekto, at malamang na pagkumpleto ng proyekto.

Aming binibigyan ng puntos ang mga aplikasyon at binibigyan ng prayoridad ang mga gantimpala batay sa mga kadahilanang ito:

  • Pagiging-patas: Pahahalagahan namin ang mga proyekto na nagsisilbi sa mga kapitbahayan na may mataas na panganib sa pagpapalipat at / o mga proyekto na sumusuporta sa mga negosyo na pag-aari ng mga Itim, Katutubo, Mga Tao ng Kulay, o kababaihan.
  • Kakayahang mabuhay: Aming susuriin kung gaano ang lakas at pananatili ng negosyo sa pamamagitan ng pagtitingin ng kanilang pangkalahatang benta (gross sales), kita, at ang karanasan ng nagmamay-ari ng negosyo.
  • Pagiging-handa ng Proyekto: Aming susuriin kung handa na ang proyekto sa pamamagitan ng pagsusuri sa pisikal na espasyo, mga detalye ng proyekto, badyet, at pangako mula sa iba pang mga mapagkukunan ng pagpopondo.
  • Epekto: Dudulutan namin ng konsiderasyon ang mga proyekto o mga may-ari ng negosyo na nagbibigay ng mga benepisyo sa komunidad at gumawa ng positibong pagkakaiba.

Ang mga napili ay susuriin para sa kakayahang mabuhay ng kanilang negosyo kasama ang kakailanganing pagbisita sa lugar at pakikipanayam upang matukoy ang kakayahang gawain at pinansiyal na pangangailangan ng bawat proyekto. Matapos makumpleto ang mga hakbang na ito, ang mga gantimpala ay ipahahayag. 

Matapos mabigyan ng suporta ang mga proyekto, dapat ibigay ng mga negosyo ang mga sumusunod upang manatiling karapat-dapat para sa pagpopondo:

  • Isang naka-pirma na lease mula sa may-ari ng bahay na may limang (5) taon pang natitira o katumbas nito tulad ng: tatlong (3) taon na natitira sa lease na may dalawang taon o higit pang garantisadong pagpapatagal.
  • Simulan ang pag-tatayo sa loob ng tatlong (3) buwan mula sa pag-pirma ng kontratang paggagantimpala.

 

Mga Materyales ng Aplikasyon

Mangyaring suriin ang mga sumusunod na materyales upang makapaghanda bago isumite ang inyong aplikasyon.

Kakailanganing mga Impormasyon

Ang sumusunod na dokumentasyon ay kinakailangan isumite kasama ang inyong aplikasyon:

  1. Ang numero ng Unified Business Identifier
    • Ang mga negosyo ay tumatanggap ng 9-digit na numero ng UBI kapag nag-aaplay sila para sa kanilang Lisensya sa Pagnenegosyo sa Estado ng Washington (Washington State Business License). Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng Department of Revenue online o sa pamamagitan ng koreo.
    • Maaari rin kayong maghanap para sa isang kasalukuyang numero ng UBI online.
  2. Numero ng Lisensya ng Negosyo sa Lungsod (City Business License)
    • Ang sinumang nagnenegosyo sa Seattle ay dapat magkaroon ng 6-digit na Seattle Business License tax certificate (kilala rin bilang numero ng City Business License), numero ng Customer ng Lungsod, o pangkalahatang lisensya sa negosyo. Ang mga may-ari ng negosyo ay kailangang ipagpabago ang sertipikasyon na ito bawat taon bago mag Disyembre 31.
    • Ang numerong ito ng City Business License ay hiwalay sa lisensya ng negosyo ng estado ng Washington. Kung hindi niyo mahahanap ang inyong numero sa lisensya sa negosyo ng lungsodgamitin ang tool sa paghanap Find a Business, maaaring may isang lisensya lamang kayo ng estado ng Washington.
    • Ang mga negosyo ay maaaring mag-aplay para sa isang City Business License at ipagpabago online o sa pamagitan ng koreo.
  3. Pagpapatala ng buwis sa negosyo at trabaho
    • Ang mga maliliit na negosyo na interesado na mag-aplay para sa Programa ng Pagpapabuti ng Nangungupahan ay kailangang sumunod sa mga kakailanganin sa larangan ng buwis ng City Business License at Business at Occupation upang maging karapat-dapat para sa pondo na ito.
      • Ang bawat negosyo ay dapat mag-hain at mag-ulat sa Lungsod kahit na walang aktibidad o wala kayong anumang buwis. Ang buwis sa negosyo sa Seattle ay hindi magkatulad sa buwis sa negosyo sa estado ng Washington. Ang mga negosyo ay kailangang mag-hain ng mga buwis sa Seattle na hiwalay sa mga buwis sa estado. Ang mga negosyo ay maaaring mag-hain at mag-report sa online o sa pamamagitan ng koreo. Para sa karagdagang mga katanungan tungkol sa mga buwis na ito, ang mga negosyo ay maaaring makipag-ugnay sa Seattle Finance sa tax@seattle.gov.
      • Ang mga negosyo ay hindi nagkakautang ng pangkalahatang buwis sa Negosyo at Okupasyon kung ang kanilang taunang taxable gross revenue ay mas mababa sa $100,000, ngunit kailangan pa rin ng mga negosyo na mag-hain.
  1. Impormasyon sa pederal na buwis para sa 2023 at 2024
    • Kung hindi niyo pa nakumpleto ang inyong mga buwis sa 2024, mangyaring magsumite ng isang panloobang pahayag sa pananalapi.
  2. Pinirmahan na kontrata ng pag-upa na mayroong limang (5) taon na natitira o katumbas na mga pagpipilian upang i-ipagpabago.
  3. Komersyal na mga pag-tantya ng presyo mula sa mga pinagbibilihan ng kagamitan/karatula.
  4. Detalyadong paglilista ng bawat aytem ng badyet na paggastos ng inyong piniprisintang halaga ng gantimpala.
  5. Ang pahayag na naglalarawan ng kapakinabangan ng publikosa komunidad upang matugunan ang kanilang halaga ng gantimpala. Maaaring kabilang dito ang mga trabaho na nilikha, mga kaganapang sinuportahan sa komunidad, o mga donasyong pagkain halimbawa.

 

Mga Tuntunin ng Pagpopondo

  • Ang mga kaloob sa Programa ng Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Program) ay ibinibigay bilang isang pautang na maaaring patawarin na may 0% na interes. Ang pautang ay magsisilbing isang kaloob matapos magpatuloy ang negosyo sa mga operasyon ng isang (1) taong panahon na nagsisimula sa huling pagbabayad ng kahilingan sa pag-draw at kapag natugunan nila ang kanilang kakailanganin sa pampublikong benepisyo.
  • Ang gantimpala sa Programa ng Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenanrt Improvement Program) ay hindi sasagutin ang buong gastos ng proyekto. Ang maliit na negosyo na nagwagi ay hihilingin na sakupin ang gastos sa karatula at pag-lalagay ng kagamitan ng kanilang proyekto.
  • Ang mga gantimpala ay dapat na kontratahin sa loob ng dalawang buwan mula sa pag-anunsyo ng gantimpala at ang gantimpala ay dapat na ganap na ginugol 12 buwan matapos ang pag-pirma ng kontrata.

 

Mga Kadalasan na mga Katanungan

Paano kung marami akong mga negosyo o lokasyon?

Kung kayo'y nagmamay-ari ng maraming negosyo o wala kayong higit sa dalawang (2) lokasyon, maaari lamang kayo mag-aplay para sa isang (1) pagbibigay ng pondo para sa isang negosyo o lokasyon. 

Ang isang mobile na negosyo sa pagkain/cart ay binibilang ba na isang lokasyon?

Ang pagkakaroon ng mga negosyo sa cart/mobile, bilang karagdagan sa pagkakaroon ng isang lokasyon ng ladrilyo at mortar, ay hindi kabilang patungo sa kahilingan ng hindi hihigit sa dalawang (2) lokasyon dahil hindi ito isang naupahang komersyal na espasyo.

Ano ang dapat kong isama sa aking kahilingan sa pagpopondo?

Isama ang buong listahan ng komersyal na kagamitan na nakakatugon sa mga pamantayan sa aplikasyon, hanggang sa isang pinakamalaking kahilingan na $50,000. Hindi namin magagawang magdagdag sa inyong badyet pagkatapos ng pagpili, kaya mangyaring maglaan ng oras, mangolekta ng mga tunay na presyo, at hilingin ang lahat ng inyong kailangan para sa inyong negosyo.

Ano ang maaaring mapaggamitan ng pagpopondo?

Maaari ninyong gamitin ang inyong pondo upang bumili ng komersyal na kagamitan mula sa isang awtorisadong negosyante o paggawa ng mga panlabas na palatandaan.

Maaari ba akong magsumite ng aking sariling pagtatantya sa kung magkano ang gastos ng aking kagamitan?

Hindi. Kinakailangan ninyong kumuha ng mga aktuwal na quote mula sa mga supplier/mga taga-gawa ng karatula upang maisumite kasama ng kanilang aplikasyon.

Maaari bang pondohan ng Parangal sa Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Award) ang isang nakabase sa tahanan na negosyo na matatagpuan sa aking tirahan?

Hindi. Ang pagpopondo ng lungsod ay maaaring mabigyan lamang sa mga negosyo na matatagpuan sa loob ng isang gusali na komersyal na espasyo.

Ilang mga bungkos ng gantimpala ang maaari kong ma-aplayan nang sabay-sabay?

Maaari lamang kayong makapag-aplay para sa isa (1) na gantimpala sa tuwing ikot ng aplikasyon. Maaari rin kayong mag-aplay para sa isa pang gantimpala sa susunod na aplikasyon.

Ano ang mga kakailanganin para sa mga gantimpalang salapi na kailangan kong malaman?

Ang lahat ng mga bungkos ng gantimpala sa salapi ay ibinibigay bilang mga pautang na may 0% interes. Ang mga pautang na ito ay malilimutan at hindi na kailangang bayaran kung natutugunan ang mga termino ng kontrata. Pinopondohan sila sa pamamagitan ng Payroll Expense Tax, na isang uri ng buwis na binabayaran ng mga negosyo batay sa kanilang sweldo sa mga empleyado.  Ang pinagkukunan ng pondo na ito ay may mga patakaran na kailangang sundin upang mapatawad. Ang isa sa mga kinakailangan ay ang "umiiral na sahod" na nangangahulugang ang mga manggagawa ay dapat bayaran ng isang patas at karaniwang sahod kung saan sila nagtatrabaho. Dapat din silang maging isang "public benefit", na nangangahulugang ang proyekto ay kailangang magdala ng positibong epekto sa komunidad.  Ang aming tauhan ay tutulong sa inyo sa paglikha ng isang plano upang matupad ang mga kakailanganing na ito.

Ano ang palatakdaan para sa proseso ng pagpili ng Program ng Pagpapabuti ng Nangungupahan (Tenant Improvement Program)?

Magkakaroon kami ng isang ikot ng aplikasyon sa 2025. Matapos ang apat na linggo na panahon ng aplikasyon, sa pakikipagtulungan sa aming mga kasosyo, sisimulan naming suriin ang mga aplikasyon at piliin ang mga nagwagi. Amin na inaasahan na mabigyan-notipikasyon ang mga aplikante sa kanilang katayuan simula Hulyo 2025. 

Anong impormasyon ang akin kinakailangan upang pag-aplayan?

Tingnan ang pangunahing pahina para sa detalyadong impormasyon sa bungkos.

Paano ko sasagutin ang mga aplikasyon na nagsasalaysay ng mga katanungan?

Mangyaring isama ang pinakamaraming detalye hanggang maaari. Ito ay isang pagkakataon upang maibahagi ninyo ang inyong kuwento bilang isang may-ari ng negosyo at kung paano niyo sinusuportahan ang kapitbahayan ng inyong paligid. Mangyaring maging tiyak at sabihin sa amin tungkol sa kung ano na ang inyong ginagawa para sa inyong mga kapitbahay, at hindi ang kung ano ang inyong planong gagawin. Kasama sa mga halimbawa ang pag-aalok ng mga serbisyo na pababa ang presyo, mga diskwento sa mga matatanda, o pakikilahok sa lokal na asosasyon ng negosyo. Maaaring inyong inalok ang inyong espayo nang libre o may diskwento sa mga grupo ng komunidad, o sinasadya niyong pagtrabahuin sa inyo ang mga kabataan sa inyong kapitbahayan. Ito ang mga magagandang halimbawa ng kung anong uri ng impormasyon ang kasama.

Paano kung kailangan ko ng tulong sa aplikasyon? 

Para sa pangkalahatang mga katanungan tungkol sa aplikasyon, mangyaring mag-email sa oed_tiprogram@seattle.gov o tumawag sa amin sa (206) 684-8090.

 

Para sa pangkalahatang mga katanungan tungkol sa aplikasyon, mangyaring mag-email sa oed_tiprogram@seattle.gov o tumawag sa amin sa (206) 684-8090.

Ang aming tanggapan ay nakatuon sa paglikha ng isang naa-akseso at inklusibong ekonomiya na gumagana para sa lahat sa Seattle sa pamamagitan ng pagtiyak na ang lahat ng mga komunidad ay may akseso sa mga oportunidad ng ekonomiya.

Hinihikayat ng Lungsod ng Seattle ang lahat na lumahok sa mga programa at aktibidad nito. Kung kailangan ninyo ng tulong, pagsasalin, mga pagtatanggap para sa mga may kapansanan, o mga materyales sa ibang format, makipag-ugnay sa aming tanggapan sa (206) 684-8090 o sa OED@seattle.gov.

Economic Development

Markham McIntyre, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 5752, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 94708, Seattle, WA, 98124-4708
Phone: (206) 684-8090
Fax: (206) 684-0379
oed@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Economic Development

The mission of the Office of Economic Development is to help create healthy businesses, thriving neighborhoods, and community organizations to contribute to a robust economy that will benefit all Seattle residents and future generations.