This content has been professionally translated in other languages.
Este contenido ha sido traducido profesionalmente a otros idiomas.
此內容已被專業翻譯成其他語言。
Nội dung này đã được dịch chuyên nghiệp sang các ngôn ngữ khác.
Qoraalkan waxaa si xirfad leh loogu turjumay luqado kale.
Ang nilalamang ito ay propesyonal na isinalin sa ibang mga wika.
이 콘텐츠는 전문적으로 다른 언어로 번역되었습니다.
ይህ ይዘት በሙያዊ በሌሎች ቋንቋዎች ተተርጉሟል።
Pumunta sa seksyon:
- Mga estratehiya sa paglabas ng negosyo
- Checklist para sa pagsasara ng negosyo
- Mga pampublikong mapagkukunan para sa paglabas sa inyong negosyo
- Mga ahensyang pang-regulasyon na dapat abisuhan: Lungsod ng Seattle
- Mga ahensyang pang-regulasyon na dapat abisuhan: county, estado, at pederal
Mga estratehiya sa paglabas ng negosyo
- Mayroong ilang iba't ibang paraan upang makalabas sa inyong negosyo. Depende sa inyong mga kalagayan, ang inyong estratehiya ay maaaring kabilangan ng:
- Pagpapanatili ng negosyo sa pamilya
- Paglikha ng kooperatibang pagmamay-ari ng manggagawa o planong pagmamay-ari ng stock ng empleyado
- Pagbebenta ng negosyo sa bukas na merkado
- Pagbebenta ng negosyo sa ibang negosyo (acquisition)
- Pagsasanib (Merger)
- Likwidasyon
- Paghahain ng bankruptcy
- Ang estratehiyang pipiliin ninyo ang magtatakda ng mga hakbang na kakailanganin ninyong gawin upang makalabas sa inyong negosyo.
Checklist para sa pagsasara ng negosyo
- Humingi ng legal na payo: Siguraduhing naiintindihan ninyo kung paano isara ang inyong negosyo. Kabilang dito ang pagharap sa mga utang, kontrata, abiso, at anumang panuntunang kailangan ninyong sundin. Ang pag-alam sa mga kinakailangang ito ay makakatulong sa inyo sa pagplano ng inyong mga susunod na hakbang.
- Nag-aalok kami ng libreng pagpapayo at mga legal na workshop sa pamamagitan ng Small Business Legal Assistance Program (Programa ng Tulong na Legal para sa Maliit na Negosyo).
- Abisuhan ang mga ahensyang pang-regulasyon: Kontakin ang lahat ng ahensya ng gobyerno na nag-isyu ng inyong mga permit at lisensya upang matiyak na ang inyong mga account ay naisara o nailipat nang tama.
- Pederal
- Estado
- County (o mga county, kung mayroon kayong maraming permit sa iba't ibang county)
- Lungsod (o mga lungsod, kung mayroon kang maraming lisensya sa negosyo sa iba't ibang lungsod)
- Abisuhan ang iba pang mga interesadong partido: Makipag-ugnayan sa mga nauugnay na tao at kasosyo, tinitiyak na ang pagbabayad o pakikipag-usap kung paano at kailan ninyo babayaran ang anumang perang dapat bayaran.
- Mga customer
- Mga empleyado
- Mga insurer
- Mga landlord
- Mga nagpapautang
- Mga service provider
- Mga vendor
- Pagsasara ng negosyo dahil sa pagkamatay: Ang mga ahensya ng estadong ito ay may espesyal na proseso para sa isang negosyo na dapat sundin kapag nagsasara dahil sa pagkamatay:
- Department of Labor and Industries (Kagawaran ng Paggawa at Industriya)
- Department of Licensing (Kagawaran ng Paglilisensiya)
- Department of Revenue: Business Licensing Services Taxes (Kagawaran ng Rentas: Negosyo Serbisyo sa Paglilisensiya Buwis)
- Employment Security Department (Kagawaran ng Seguridad sa Trabaho)
- Liquor and Cannabis Board (Lupon sa Alak at Cannabis)
- Secretary of State (Kalihim ng Estado)
Mga pampublikong mapagkukunan para sa paglabas sa inyong negosyo
- Toolkit para sa pagpaplano ng pagmamana: Gumawa kami ng Succession Planning Toolkit na may kasamang mga pangunahing tanong at impormasyon na dapat isaalang-alang para sa inyong plano sa paglabas, isang buod ng impormasyon tungkol sa mga entity ng negosyo at pagpaplano ng pagmamana ng ari-arian, at isang worksheet upang matulungan kayong ayusin ang proseso ng pagsasara.
- Gabay Sa Pagsarado ng Negosyo ng Estado ng Washington: Ang Close Your Business Guide (Gabay Sa Pagsarado ng Negosyo) ng estado ay nagbibigay ng ilang mapagkukunan para sa pagpapaunlad ng negosyo, kabilang ang impormasyon at mga mapagkukunan kung paano isara ang inyong negosyo.
- Internal Revenue Service: Ang IRS ay may listahan ng mga mapagkukunan na makakatulong sa inyo na layagin ang pagsasara ng inyong negosyo mula sa pananaw ng pederal na buwis, anuman ang uri ng inyong negosyo, at impormasyon upang matulungan kayong alagaan ang inyong mga empleyado.
- U.S. Small Business Administration: Maaari kayong ikonekta ng SBA sa lokal na gabay upang planuhin ang inyong estratehiya sa paglabas pati na rin ang pagbibigay ng mga hakbang upang isara o ibenta ang inyong negosyo.
Mga ahensyang pang-regulasyon na dapat abisuhan: Lungsod ng Seattle
- Seattle City Light: Abisuhan ang Seattle City Light kung mayroon kayong anumang mga katanungan tungkol sa inyong account. Maaari ninyong simulan, itigil, o ilipat ang inyong SCL account sa pamamagitan ng online form o sa pamamagitan ng telepono sa (206) 684-3000.
- Seattle Department of Transportation (Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle): Kung mayroon kayong anumang mga permit para sa cafe sa pampublikong lugar, mga pampublikong amenity, o mga katulad na istruktura, mag-email sa SDOT sa publicspace@seattle.gov kasama ang mga petsa ng inaasahang pagsasara, ang address ng inyong negosyo, at ang inyong mga numero ng permit. Makikipag-ugnayan sila sa inyo upang matiyak na ang inyong lumang pagsingil sa permit ay itinigil.
- Seattle Fire Department (Kagawaran ng Bumbero ng Seattle): Kung mayroon kayong mga taunang permit mula sa SFD at plano ninyong isara ang inyong negosyo o suspindihin ang mga operasyon, ipadala ang anumang mga kahilingan sa pagkansela sa pamamagitan ng email sa permits@seattle.gov.
- Isama ang sumusunod na impormasyon sa email:
- Pangalan ng negosyo
- Numero ng permit o uri ng permit
- Ang dahilan ng pagkansela
- Maaari kayo ring magkansela sa pamamagitan ng pagtugon sa abiso ng pag-renew ng permit na ipinapadala ng SFD mga isang buwan bago mag-expire ang permit. I-check lang ang kahon na “Cancel” sa form. Maaari ninyong ipadala ang abiso ng pag-renew pabalik sa SFD sa pamamagitan ng email o regular na koreo.
- Isama ang sumusunod na impormasyon sa email:
- Seattle License and Tax Administration: Kung hindi na kayo nagnenegosyo sa Seattle at kailangan ninyong kanselahin ang inyong sertipiko ng buwis sa lisensya ng negosyo, abisuhan ang License and Tax Administration sa pamamagitan ng kanilang online form. Maaari kayo ring mag-email (tax@seattle.gov) o magpadala sa kanila ng liham na may sumusunod na impormasyon: pangalan, numero ng telepono, numero ng customer, legal na pangalan ng negosyo, at petsa kung kailan nagsara ang negosyo. Dapat ninyong ihain ang inyong huling tax return at bayaran ang anumang natitirang buwis sa loob ng 10 araw pagkatapos ng pagsasara ng inyong account.
- Seattle Office of Labor Standards (Opisina ng Pamantayan sa Paggawa ng Seattle)
- Buong listahan ng Mga Ordinansa.
- Cannabis Employee Job Retention Ordinance (Ordinansa sa Pagpapanatili ng Trabaho ng Empleyado sa Cannabis): Kung magpapalit ng may-ari ang isang negosyo ng cannabis, may mga proteksyon ang mga empleyado upang matulungan silang mapanatili ang kanilang mga trabaho.
- Paid Sick and Safe Time Ordinance (Ordinansa sa Bayad na Oras para sa Sakit at Kaligtasan) (SMC 14.16): Kapag ang isang negosyo ay kinuha ng isang bagong employer, pinapanatili ng mga empleyado ang lahat ng kinita na nilang bayad na oras para sa sakit at kaligtasan. Dapat sundin agad ng bagong may-ari ang mga panuntunan sa bayad na oras para sa sakit at kaligtasan. Hindi sila ituturing na “bagong employer” sa ilalim ng batas na ito.
- Hotel Employees Job Retention Irdinance (Ordinansa sa Pagpapanatili ng Trabaho ng mga Empleyado sa Hotel) (SMC 14.29):
- Inaatasan ng batas na:
- Ang kasalukuyang (paalis na) may-ari na magbigay ng nakasulat na abiso na magkakaroon ng bagong may-ari ang negosyo.
- Sa loob ng limang araw ng negosyo matapos pirmahan ang mga papeles sa paglilipat ng pagmamay-ari, dapat ipaskil ng paalis na may-ari ang abiso kung saan madali itong makikita ng mga empleyado at aplikante sa trabaho.
- Dapat ding bigyan ng paalis na may-ari ang bagong (papasok na) may-ari ng listahan ng mga empleyado na dapat unang alukan ng trabaho.
- Sa unang 180 araw pagkatapos magbukas sa publiko sa ilalim ng papasok na may-ari, dapat alukan ng trabaho ng papasok na may-ari ang mga tao sa listahang iyon bago kumuha ng iba pa.
- Inaatasan ng batas na:
- Seattle Public Utilities (Mga Pampublikong Utility ng Seattle): Abisuhan ang SPU kung mayroon kayong anumang mga katanungan tungkol sa inyong mga serbisyo sa tubig, drainage at wastewater, at solid waste. Maaari kayong magbukas, magsara, o maglipat ng inyong mga SPU account sa pamamagitan ng kanilang online form o sa pamamagitan ng telepono sa (206) 684-3000.
Mga ahensyang pang-regulasyon na dapat abisuhan: county, estado, at pederal
- County
- Public Health, Seattle and King County (Pampublikong Kalusugan, Seattle at King County): Kung kayo ay isang retail na negosyo ng pagkain, abisuhan ang Kagawaran ng Kalusugan ng King County sa pamamagitan ng pagpapaalam sa inyong itinalagang health inspector na isasara ninyo ang negosyo. Ibe-verify ng inyong health inspector ang pagsasara upang tapusin ito. Kung hindi ninyo alam kung sino ang inyong health inspector, tumawag sa (206) 263-9566 upang makipag-usap sa mga kawani ng opisina.
- Estado
- Employment Security Department (Kagawaran ng Seguridad sa Trabaho)
- Department of Labor and Industries (Kagawaran ng Paggawa at Industriya)
- Liquor and Cannabis Board (Lupon sa Alak at Cannabis)
- Secretary of State (Kalihim ng Estado)
- Mga ahensya ng negosyong sertipikado ng estado (kung kayo ay sertipikado ng estado sa Office of Minority and Women's Business Enterprises (Opisina ng mga Negosyo ng Minorya at Kababaihan) at/o sa Kagawaran ng mga Beterano)
- Washington Department of Agriculture (Kagawaran ng Agrikultura ng Washington) (kung mayroon kayong anumang taunang permit o lisensya, gaya ng lisensya sa pagpoproseso ng pagkain o permit sa cottage food)
- Washington Department of Licensing (Kagawaran ng Paglilisensya ng Washington)
- Washington Department of Revenue (Kagawaran ng Rentas ng Washington)
- Washington State Department of Commerce (Kagawaran ng Komersyo ng Estado ng Washington)
- Pederal