Mga permit at inspeksyon

Illustration of pink grocery market with one person holding a basket and one riding a bike.

This content has been professionally translated in other languages.

Este contenido ha sido traducido profesionalmente a otros idiomas.

此內容已被專業翻譯成其他語言。

Nội dung này đã được dịch chuyên nghiệp sang các ngôn ngữ khác.

Qoraalkan waxaa si xirfad leh loogu turjumay luqado kale.

Ang nilalamang ito ay propesyonal na isinalin sa ibang mga wika.

이 콘텐츠는 전문적으로 다른 언어로 번역되었습니다.

ይህ ይዘት በሙያዊ በሌሎች ቋንቋዎች ተተርጉሟል።

Kailangan mo ba ng permit coaching sa konstruksyon para sa iyong komersyal na espasyo?

  • Sa pakikipagtulungan sa Seattle Department of Construction and Inspections (Kagawaran ng mga Konstruksyon at Inspeksyon ng Seattle), tinutulungan namin ang mga kwalipikadong maliliit na negosyo sa mga permit para sa komersyal na espasyo at mas mabilis na serbisyo. Nag-aalok kami ng tulong sa pagsasaliksik ng mga pangangailangan sa konstruksyon, maagang gabay sa pagpapahintulot, at mas mabilis na pagpapahintulot.

Mga permit sa konstruksyon, kalakalan, paggamit ng lupa, at mga permit na kailangan ng inspeksyon sa field

  • Maraming proyekto ang nangangailangan ng permit sa Seattle. Ang mga uri ng proyekto ay maaaring kabilang ang, ngunit hindi limitado sa: pagpapatayo o pag-aayos ng komersyal na espasyo, pag-install ng mga HVAC system at kitchen hood, pag-install ng mga electrical system, at higit pa.
    • Mga permit sa paggamit ng gusali
    • Mga permit sa konstruksyon
    • Mga permit na kailangan ng inspeksyon sa field
    • Mga permit sa kalakalan

Mga permit mula sa Kagawaran ng Bumbero ng Seattle

Pampublikong right-of-way: Mga permit sa paggamit ng kalye

  • Ang mga kalye, bangketa, plaza, at eskinita ng Seattle ang bumubuo sa pampublikong right-of-way. Gusto ninyo bang bigyan ng buhay ang isa sa mga espasyong ito? Kakailanganin ninyo ng permit bago kayo magtrabaho sa o gumamit ng right-of-way. Pinapanatili ng mga permit na ito ang mga espasyong ito na ligtas, madaling mapuntahan, at nasa maayos na kondisyon para sa lahat.
  • Pinapayagan kayo ng mga Street Use permits (permit para sa Paggamit ng Kalye na gamitin ang espasyong ito para pagandahin ang inyong komunidad. Maaari kayong magdaos ng mga event, magbukas ng sidewalk café, o magdagdag ng mga feature na nag-aanyaya sa mga tao na magtipon-tipon.
  • Ang mga aktibidad na ito ay nagpapatibay sa inyong komunidad sa totoong paraan. Nagpapasigla ito ng koneksyong panlipunan, nakakatulong sa pag-unlad ng mga lokal na negosyo, at ginagawang mas ligtas at mas nakakaanyaya ang ating mga kalye.

Mga espesyal na proseso ng pagsusuri at pag-apruba sa mga Historic District

  • Ang Seattle ay may walong historic district. Ang mga gusali at pampublikong espasyo sa mga distritong ito ay dapat sumunod sa mga espesyal na panuntunan upang maprotektahan ang kanilang makasaysayang hitsura at katangian. Isang lupon ng mga mamamayan o ang Landmarks Preservation Board ang nagsusuri sa mga pagbabago sa mga distritong ito upang matiyak na natutugunan nila ang mga kinakailangang itinakda ng batas ng Lungsod. Ang ilang makasaysayng distrito ay napapailalim din sa iba pang espesyal na proseso ng pagsusuri at pag-apruba.

Economic Development

Beto Yarce, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 5752, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 94708, Seattle, WA, 98124-4708
Phone: (206) 684-8090
Fax: (206) 684-0379
oed@seattle.gov

Sign Up for Latest Updates

Subscribe

Our core purpose is leading projects and making investments that open up access to economic opportunities, reduce the racial wealth gap, and encourage innovation and growth.