Filipino / Tagalog

Gawing mahalaga ang inyong boses sa mga halalan ng Seattle

Ang Democracy Voucher Program ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga residente ng Seattle na lumahok sa mga lokal na halalan at binabawasan ang mga hadlang sa pagtakbo para sa opisina sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinagmumulan ng pagpopondo.

Ano ang Democracy Voucher?
Ang Lungsod ng Seattle ay nagbibigay ng Democracy Voucher sa mga residente. Ang Democracy Voucher ay mga sertipiko na nagkakahalaga ng $25 bawat isa na ginagamit ng mga residente ng Seattle upang magbigay sa mga lokal na kampanya.

Aling mga kandidato ang maaaring makatanggap ng Democracy Voucher?
Ang programang ito ay opsyonal para sa mga kanditato. Maaaring tanggapin ng mga kanditatong lumahok sa programa ang inyong mga voucher. Ang Democracy Voucher ay maaaring ibigay sa mga kalahok na kandidato na tumatakbo para sa Konseho ng Lungsod, Abugado ng Lungsod, o Alkalde sa Seattle.

Kailan ang susunod na halalan sa Lungsod ng Seattle?
Ang susunod na halalan sa Lungsod ng Seattle ay sa 2023. Maaaring gamitin ang Democracy Voucher mula Pebrero 21, 2023 hanggang Nobyembre 30, 2023.

Maaari kayong makakuha ng Democracy Voucher kung kayo ay:

  • Isang residente ng Seattle,
  • Hindi bababa sa 18 taong gulang, at
  • Isang mamamayan ng US, isang US national, o legal na permanenteng residente.

Kung kayo ay isang rehistradong botante, awtomatiko ninyong matatanggap ang inyong Democracy Voucher.

Paano ko malalaman ang tungkol sa mga kandidato?
Bisitahin ang pahina ng Mga Pagpapakilala ng Kandidatoupang malaman ang tungkol sa mga kandidato na tumatakbo para sa opisina.  

Hanapin ang kalahok na kandidato sa pahina ng mga kalahok na kandidato.  

May mga Katanungan?  Mangyaring tumawag sa (206) 727-8855 (ang tulong sa pagsasalin ng wika ay magagamit).

Maaari ninyong i-download o i-print ang mga materyal na ito upang magamit sa inyong komunidad. 

Aplikasyon ng Democracy Voucher

Brochure ng Kandidato

Brochure ng Residente