This content has been professionally translated in other languages.
Este contenido ha sido traducido profesionalmente a otros idiomas.
此內容已被專業翻譯成其他語言。
Nội dung này đã được dịch chuyên nghiệp sang các ngôn ngữ khác.
Qoraalkan waxaa si xirfad leh loogu turjumay luqado kale.
Ang nilalamang ito ay propesyonal na isinalin sa ibang mga wika.
이 콘텐츠는 전문적으로 다른 언어로 번역되었습니다.
ይህ ይዘት በሙያዊ በሌሎች ቋንቋዎች ተተርጉሟል።
- Checklist para sa pagbubukas ng negosyo
- Nagbibigay ng bawat hakbang na tagubilin para bumuo ng negosyo sa estado ng Washington.
- Pagbubukas ng bagong lokasyon ng inyong negosyo
- Alamin kung paano magbukas ng bagong pisikal na lokasyon o mag-remodel ng negosyo sa Seattle gamit ang aming Opening Your New Business Location Guide (Gabay sa Pagbubukas ng Inyong Bagong Lokasyon ng Negosyo).
- Mga kasangkapan para sa pagsisimula ng negosyo
- Mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa pagsisimula o pamamahala ng negosyo sa Seattle.
- Programang expedited permitting (pinabilis na pagpapahintulot)
- Sa pakikipagtulungan sa Seattle Department of Construction and Inspections (Kagawaran ng mga Konstruksyon at Inspeksyon ng Seattle), tinutulungan namin ang mga kwalipikadong maliliit na negosyo sa mga permit para sa komersyal na espasyo at mas mabilis na serbisyo. Nag-aalok kami ng tulong sa pagsasaliksik ng mga pangangailangan sa konstruksyon, maagang gabay sa pagpapahintulot, at mas mabilis na pagpapahintulot.
- Gabay para sa Maliliit na Negosyo
- Ang gabay para sa maliliit na negosyo na ito ay koleksyon ng mga mapagkukunan na nagbabalangkas sa mga hakbang para sa pagsisimula at pagpapatakbo ng negosyo sa estado ng Washington, kabilang ang impormasyon tungkol sa mga plano sa negosyo, payroll, pagbubukas, pagpapatakbo, pagpapalago, at pagsasara ng inyong negosyo.
- Mayroong gabay sa ilang wika at sa format na handa na para sa braille.
- Programang Library to Business
- Ang programang Library to Business ng Pampublikong Aklatan ng Seattle ay nag-aalok ng mga libreng klase, workshop, at suporta mula sa mga librarian ng negosyo upang tumulong sa pananaliksik, pagpaplano, at higit pa.
- Toolkit para sa Pag-amyenda ng Komersyal na Lease
- Ang Lease Amendment Toolkit (Toolkit para sa Pag-amyenda ng Pag-upa) ay nagbibigay ng impormasyon at mga sample na dokumento upang tulungan ang mga maliliit na negosyo at nonprofit na makipag-negosasyon sa kanilang sitwasyon sa upa sa kanilang komersyal na landlord.