MADALIANG GABAY SA PAGBIBIGAY NG PANLABAS NA PERMIT

Ngayong pumasok na ang King County sa Ika-2 Yugto ng Safe Start plan ng Gobernador, alam naming maraming negosyanteng tulad mo ang nananabik na muling ituloy o palawakin ang kanilang panlabas na operasyon, kung kaya’t ginawa namin ang fact sheet na ito para matulungan kayong makapagsimula!

Pagdaragdag sa o Pagpapalawak ng Iyong Negosyo sa Labas sa Kalsada o Bangketa

Kung interesado kang gumamit ng espasyo sa mga bangketa o kalye sa harapan ng iyong negosyo para magdagdag ng pansamantalang restawran o karagdagang espasyo ng tindahan, o kung isa kang may-ari ng food truck o vending cart at gusto mong sumubok ng mga bagong lokasyon para sa pagtitinda, kakailanganin mo ng Paggamit ng Kalye na permit mula sa Kagawaran ng Transportasyon ng Seattle (Seattle Department of Transportation, SDOT).

Gumawa kami ng mga bago at pleksibleng opsyon sa pansamantalang permit para sa mga restawran sa bangketa, mga display ng paninda, at pagkain at iba pang pagtitinda. May bisa ang mga permit na ito hanggang anim na buwan.

  • Pansamantalang Permit para sa mga panlabas na Restawran: Kumuha ng ganitong permit kung isa kang may-ari ng restawran na gustong maglagay ng mga upuan sa bangketa o sa paradahan sa tabi ng kalsada. Kakailanganin ng karagdagang permit mula sa Washington State Liquor and Cannabis Board para makapagtinda ng alak.
  • Pansamantalang Permit para sa Display ng mga Paninda: Kumuha ng ganitong permit kung isa kang may-ari ng negosyong tindahan na gustong palawakin ang operasyon sa labas, papunta sa bangketa o sa paradahan sa tabi ng kalsada (tandaan na kabilang dito ang point of sale).
  • Mga Pansamantalang Permit sa Pagtitinda: Kumuha ng ganitong permit kung isa kang manininda na gusto ng na pleksibilidad sa iyong lokasyon at tagal ng pagtitinda. Kabilang dito ang mga lokasyon sa kalye at bangketa para sa mga trak at kariton ng pagkain.

Tandaan na kakailanganin ng mga restawran at negosyong tindahan na maglaan ng anumang bakod na kinakailangan para matugunan ang mga kahingian ng permit. Libre ang mga pansamantalang permit na ito. Pinapabilis at inuuna namin ang mga ganitong uri ng aplikasyon para sa permit, ngunit, maaaring kailangan ng dagdag na oras sa pagsusuri depende sa kalidad ng aplikasyon para sa permit, komplikasyon ng lugar, at dami ng ibangkahilingan

Bagama’t hindi kwalipikado ang lahat ng lokasyon para sa mga ganitong permit, ikinatutuwa naming makipagtulungan sa inyo para magtukoy ng iba pang oportunidad!

Panlabas na Pagdaragdag o Pagpapalawak ng Iyong Negosyosa Isang Pribadong Ari-arian

Kung interesado kang simulan o lawakan ang paggamit ng pag-aari mong lupain para sa mga panlabas na aktibidad ng isang negosyo, maaaring kailanganin mo ng isa sa sumusunod na permit mula sa Kagawaran ng Konstruksiyon at mga Inspeksiyon ng Seattle (Seattle Department of Construction and Inspection o SDCI).

  • Permit sa Permanenteng Paggamit: Kumuha ng ganitong permit kung mahigit 50 talampakan ang layo ng panlabas mong lugar mula sa isang sonang residensyal at tutugon ito sa iba pang pamantayan sa Land Use Code ng Lungsod. Papayagan ka ng permit na ito na permanenteng gamitin ang iyong bagong panlabas na espasyo.
  • Permit sa Pansamantalang Paggamit: Kumuha ng ganitong permit kung wala pa sa 50 talampakan ang lokasyon ng panlabas na lugar mula sa isang sonang residensyal o kung kakailanganin mo ng pleksibilidad mula sa ibang pamantayan ng Land Use Code. Papayagan ka ng permit na io na gamitin ang iyong panlabas na espasyo sa loob ng apat na linggo, ngunit maaari kang mag-apply ulit.
  • Permit sa Paminsan-minsang Paggamit: Kumuha ng ganitong permit kung wala pa sa 50 talampakan ang lokasyon ng iyong panlabas na lugar mula sa isang sonang residensyal o kung kakailanganin mo ng pleksibilidad mula sa ibang pamantayan ng Land Use Code, at kung kailangan mo lang gamitin ang panlabas na espasyo nang isa o dalawang araw kada linggo. Isang taon ang bisa ng permit na ito.

Tinatayang nasa $350 ang mga bayarin sa permit. Pinapabilis at inuuna namin ang mga ganitong uri ng aplikasyon para sa permit. Depende sa kalidad ng aplikasyon para sa permit, tatagal nang hanggang tatlong linggo ang pagkuha ng mga permit.

Kailangan ng tulong o may katanungan tungkol sa iyong mga opsyon?

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa iba’t ibang permit na makukuha o kailangan ng tulong sa proseso ng aplikasyon, tumawag sa amin sa 206-684-8090 mag-email sa amin sa oed@seattle.gov para sa libreng tulong at teknikal na suporta.

May karagdagang impormasyon tungkol sa mga panlabas na permit sa pribadong ari-arian sa website ng SDCI sa www.seattle.gov/sdci/permits/how-do-you-get-a-permit.

Para sa mga panlabas na permit sa mga kalye at bangketa, makakahanap ka ng higit pang impormasyon sa website ng SDOT sa www.seattle.gov/transportation/permits-and-services/permits/temporary-permits.

Economic Development

Markham McIntyre, Director
Address: 700 5th Ave, Suite 5752, Seattle, WA, 98104
Mailing Address: PO Box 94708, Seattle, WA, 98124-4708
Phone: (206) 684-8090
Phone Alt: (206) 684-0379
Fax: (206) 684-0379
oed@seattle.gov

Newsletter Updates

Subscribe

Sign up for the latest updates from Economic Development

The mission of the Office of Economic Development (OED) is to help create healthy businesses, thriving neighborhoods, and community organizations to contribute to a robust economy that will benefit all Seattle residents and future generations.