Link to Transportation Home Page Link to Transportation Home Page Link to Transportation About Us Page Link to Transportation Contact Us Page
Delivering a first-rate transportation system for Seattle Scott Kubly, Director

Services 

Projects 

Planning 

Resources 

Events

News

Site Index


Rainier Avenue South Road Safety Corridor
Three Year Collision History
Three Year Collision Diagrams
Vision Zero
Speeding
Distraction
Impairment

Rainier Avenue S Corridor Project

Last updated: September 7, 2017

Malawakang Pananaw sa Proyekto

Noong taong 2014, inilunsad namin ang isang nakipagtulungang proseso upang repasuhin ang mga kondisyon sa may Rainier Avenue S. Dahil ang kaligtasan ang aming pangunahing priyoridad, kami ay may pananagutang iwasan ang mga banggaan at mapahusay ang kaligtasan para sa lahat ng mga bumibiyahe. Ang proyektong ito ay bahagi ng programang Vision Zero ng Seattle para maabot ang zero na mga sakuna sanhi ng trapiko o malulubhang pinsala sa pag-abot ng 2030.

Phase 2
Ngayong taon, patuloy kaming nagtatrabaho sa Rainier Ave S mula S Kenny St hanggang S Henderson St. Heto ang aming mga layunin sa kaligtasan:

  • Mabawasan ang mga banggaan
  • Mabawasan ang bilang ng mga malulubhang pinsala o sakunang dulot ng banggaan
  • Mapahusay ang kaligtasan ng lahat
  • Tiyakin ang mabisa at maaasahan na serbisyo ng transit

Kabilang sa mga ikinokonsiderang mga hakbang ang: pagpapakalma sa trapiko, mga upgrade sa traffic signal, pag-aayos ng kalye, at mga pagpapahusay sa kaligtasan ng tumatawid at nagbibisikleta. Kami’y gumagawa rin ng mga nakapagtuturong mga materual na tinutugunan ang mga isyu sa pag-uugali tulad ng matulin na pagpapatakbo, distracted na pagmamaneho, at pagmamaneho kahit na hindi kaya o mahina at magsasagawa ng mga tiyak sa area na pag-abot kamay upang makatulong na maiwasan ang mga banggaan.

Mga Opsyon sa Phase 2

Unang Alternatibo (Mga daan na para Lang sa Bus):

Unang Alternatibo

Mga Pakinabang:

  • • Mapapahusay ang mga operasyon ng Inbound Business Access and Transit (BAT) (tandaan - ang mga kakanan sa mga driveway at sa mga intersection ay pinapahintulutan)
  • Ipapanatili ang pagpaparada sa kalye mismo sa may Rainier Ave S
  • Sinusuportahan ang RapidRide sa hinaharap (sa kasalukuyang King County Metro Route 7)

Mga Ikokonsidera:

  • Ang daanan para lang sa bus ay maaaring gamitin bilang isang ilegal na daanan
  • Maaaring alisin ang paradagan sa mga bahagi ng area ng proyekto

Ika-2 Alternatibo (Mga Protektadong Daanan ng Bisikleta):

Ika-2 Alternatibo

Ika-2 Alternatibo
Cross section sa mga pangunahing intersections

Mga Pakinabang:

  • Nagkakaloob ng north-south na ruta ng bisikleta
  • Higit na nagagamit ang right-of-way na espasyo para sa mga bisikleta at sasakyan
  • Nagkakaloob ng paradahan sa kalye mismo

Mga Ikokonsidera:

  • Maaaring mapabagal ang transit at pangkalahatang tulin sa trapiko

Kami ay mahigpit na nakikipagtulungan sa Rainier RapidRide na Proyekto para i-disenyo ang kinabukasan ng Rainier Ave S. Ang aming layunin ay makagawa ng panandaliang mga pagpapahusay sa Rainier Ave S, kasing aga ng 2017 na sumusuporta sa disenyo at konstruksyon ng serbisyo ng RapidRide para i-upgrade ang King County Metro Route 7 sa taong 2021.

Lumilikha ng isang RapidRide mula sa Downtown Seattle na dadaan sa Mt Baker hanggang Rainier Beach ay patuloy na pinapagalaw ang mga tao sa pamamagitan ng:

  • Pananatiling madalas ang pagdaan at nasa oras ang mga bus
  • Pagdadagdag ng mas maraming mga bus sa gabi at tuwing Sabado’t Linggo
  • Pag-upgrade sa Metro RapidRide na mga himpilan ng bus sa pamamagitan ng mga pagpapailaw, aktuwal na impormasyon sa pagdating, at marami pang iba
  • Pagpapahusay ng mga koneksyon para sa mga taong naglalakad at sumasakay sa bisikleta

Sa pamamagitan ng safety project o proyekto sa kaligtasan, ang Unang Alternatibo na daanan ng bus ay iminumunkghi at sa Ika-2 Alterntibo sa in-lane na mga hintuan ng bus ay nakonsidera para ang bus ay hindi kailangang pumasok at lumabas sa daanan. Kami ay kasalukuyan rin naghahanap ng mga lokasyon para sa hintuan ng bus at kung gaano karami ang mga sumasakay sa mga ito.

Ipinapakita sa mapa sa ibaba ang data ng mga sumasakay at kung paano maaaring alisin o ilipat ang ilang mga hintuan ng bus Kung isagawa ang mga pagbabagong naisaad, maaaring mangahulugan ang ito na ang ilang mga sumasakay ay kailangang maglakad ng humigit kumulang na dagdag na 2 minuto.

Schedule

Summer 2017 Ibahagi ang mga opsyon bilang input
Fall 2017 Tapusin ang konsepto para sa disenyo
2018: Konstruksyon
2019: Pagtatasa sa Proyekto

Pagpopondp

Ang SDOT ay tumanggap ng pondo mula sa Real Estate Tax upang mapondohan ang ikalawang phase ng Rainier Ave S Corridor Improvements Project. Ang proyekto ay pinopondohan rin ng Levy to Move Seattle, isang 9-taong $930 milyon na levy na naaprubahan ng mga botante noong 2015.

Mga materyal

Fact Sheet ng Proyekto

Home | About Us | Contact Us | Site Index | News | FAQs | E-Mail Alerts