Working for a safe, affordable, vibrant, innovative, and interconnected city.
Learn More
Seattle.gov Home Page
Seattle.gov This Department
Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet About Us Page Link to The Greater Seattle Datasheet Contact Us Page
English | Espanol | Francais | Italiano | русский язык | 日本語 | 中文 | 中文(简体) | Somali | Tagalog
Datasheet ng Kalakhang Seattle
Lokasyon
Demograpiko
Kalidad Ng Pamumuhay
Edukasyon
Mga Pasilidad Sa Komunidad
Ekonomiya
Industriya At Negosyo
Mga Sentro Para Sa Turismo At Kumperensya
Internasyonal Na Komersyo
Transportasyon
Komunikasyon
Gobyerno
Karagdagang Impormasyon

Transportasyon

This information is from 2008. Updated information for 2011 will be available soon.

Mga Riles ng Tren at Serbisyo ng Bus

Ang Burlington Northern at Union Pacific ay nagkakaloob ng transkontinental na serbisyo ng tren at namamalakad sa tatlong sistema ng iba’t ibang uri ng transportasyon sa Seattle. Ang serbisyo para sa mga pasahero sa mga pangunahing lungsod sa Estados Unidos ay ipinagkakaloob ng Amtrak. Iba't ibang linya ng bus ang nag-uugnay sa Seattle sa mga pangunahing lungsod sa Estados Unidos, Canada, at kahit hanggang patimog sa Tijuana, Mexico. Ang Seattle ay pinaglilingkuran ng sistema ng bus sa buong county na mayroong lugar para sa libreng sakay sa distrito ng downtown sa Seattle. Ang pinahintulutan ng botante na Sound Transit plan ay nasa proseso ng pagsasama ng transportasyon sa kalakhang Seattle gamit ang light rail, commuter rail (kasalukuyang tumatakbo mula Tacoma at Everett papunta sa Seattle), at higit sa 100 milya ng HOV na mga daanan at pang-rehiyong express na ruta para sa bus.

Mga Pasilidad Ng Daungan

Ang Port of Seattle ay isa sa pangunahing sampung container port sa Estados Unidos, na may mga produkto na tinatayang $36.7 bilyon na tumatawid sa mga daungan nito taun-taon. Ito ay pinaglilingkuran ng 29 tagabigay-serbiyo para sa karagatan at tatlong tagapangasiwa ng lantsa ng Alaska, dalawang pangunahing transkontinental na riles ng tren, at maraming mga kompanya ng trak na nag-uugnay sa Seattle sa mga sentro ng merkado sa buong Hilagang Amerika. Ang Port ay sumasaklaw sa halos 500 acre ng espasyong paglalagyan ng mga container, na may 26 na mga crane para sa container at mga pasilidad upang pangasiwaan ang mga chilled o nagyelong karne at isda, prutas, gulay, mga produktong-gubat, bakal at grain. Ang mga aktibidad ng maritime na negosyo sa Port ay responsable para sa pagpapalaki hanggang $430 milyon sa lokal na pagbili at $2.5 bilyon ng kita sa negosyo patungo sa lokal na ekonomiya bawat taon. Pagmamay-ari at pinalalakad din ng Port ang Seattle-Tacoma International Airport, Fishermen's Terminal at Maritime Industrial Center, Harbor Island Marina, Shilshole Bay Marina, at Bell Street Pier, isang 11- acre complex na mayroong sentro para sa pang-internasyonal na kumperensya, marina, mga tindahan at restaurant. Ang mga terminal para sa cruise sa Bell Street Pier at Terminal 30 ay nagsisilbi sa industriya ng Alaska para sa cruise na may higit sa 200 kahilingan para sa barko taun-taon. Ang World Trade Center complex, na katabi ng Bell Street Pier, ay nagpapatatag sa tungkulin ng Seattle bilang sentro ng internasyonal na kalakalan.

Fishermen’s Terminal

Ang Fishermen’s Terminal ay nagsisilbi bilang baseng daungan para sa kalipunan ng mga sasakyan sa pangingisda ng US North Pacific at isa ring umuunlad na sentro para sa iba pang mga pangkomersyal na workboat. Ang pinakahuling pagpapaunlad ay nagkakaloob ng 2,500 piye ng linear moorage at higit sa 340 slip sa konkretong lumulutang na daungan. Nagkakaloob din ang Fishermen’s Terminal ng pinakamalawak na serbisyo ng suporta na makakamit sa West Coast, na may mga sumusuportang vessel sa mga loading dock na hanggang 300 piye at 2,800 tuwid na piye ng loading dock, ligtas na panlabas na imbakan, mga locker sa looban, mga forklift, crane at iba pang kagamitan sa site. Kabilang sa mga pasilidad ang malawak na grupo ng nasa site na mga kompanya kung saan partikular na nagsisilbi sa mga pangangailangan ng pangkomersyal na pangingisda at mga industriya ng workboat. Ang mga kompanya sa kalapit na Ballard, Magnolia, at kalapit-bayan na Queen Anne ay naghahandog din ng mga kagamitan para sa marine, pagkukumpuni ng vessel at iba pang mga pandalubhasang serbisyo. Malapit dito, ang Maritime Industrial Center ay naghahandog ng mga karagdagang vessel moorage, imbakan, muling pagbibigay ng kagamitan, pagmamantena at mga pasilidad sa pagkukumpuni.

Seattle-Tacoma Airport

Ang Seattle-Tacoma International Airport ay isang mahalagang daanan na nag-uugnay sa Asya at Europa sa Estados Unidos. Noong 2004, 28.8 milyong pasahero ang dumaan sa Sea-Tac, pati na rin ang 346,966 metrikong tonelada ng kargada. Ang trapiko ng pasahero ay tumaas ng 7.5% noong 2003, at sa kauna-unahang pagkakataon ay humigit sa mga antas bago ang 9/11. Dalawampu't walong kompanya ng eroplano ang nagsisilbi sa Sea-Tac: 9 sa mga iyon ay mga dayuhang kompanya ng eroplano at 5 ay mga kompanya ng eroplano para sa kargada. Ang airport ay 13 milya (21 km) mula sa sentrong distrito ng kalakalan ng Seattle at 14 milya mula sa mga terminal ng Port. Sa continental US, ang Sea-Tac ay ang pinakamalapit na airport sa Asya at halos 9 oras sa pamamagitan ng eroplano mula sa Tokyo o London. Mayroong higit sa 45 naka-schedule na paglipad sa mga internasyonal na destinasyon linggo-linggo.

Mga Kompanya na May Direktang Internasyonal na Flight

Air Canada
Aeromexico
Air BC
Air France
Alaska Airlines
American Airlines
Asiana Airlines
British Airways
China Air
EVA Airlines
Lufthansa
Horizon
Korean Air
Northwest Airlines
SAS Scandinavian Airlines
United Airlines

Mga Lungsod na Pinagsisilbihan ng Direktang Flight na mula sa Seattle

Amsterdam
Bejing
Calgary
Cancun
Copenhagen
Edmonton
Frankfurt (Abril 1, 2008)
Kelowna
London
Los Cabos
Mazatlan
Mexico City
Moscow
Paris
Puerto Vallarta
Seoul
Taipei
Tokyo
Toronto
Vancouver
Victoria

Distansya sa Pangunahing mga Lungsod (milya sa himpapawid)


Tokyo

Hong
Kong

Chicago

New
York

London

Seattle

4,785

6,639

1,726

2,406

4,792

San Francisco

5,135

6,957

1,851

2,571

5,355

Los Angeles

5,570

7,343

1,743

2,456

5,443

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Port of Seattle, Aviation Division

English | Spanish/Espanol | Francais | Italiano | Russian/русский язык
Japanese/日本語 | Chinese/中文 | Chinese (Modern)/中文(简体)
Somali | Tagalog