Seattle.gov Home Page
Seattle.gov This Department
Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet About Us Page Link to The Greater Seattle Datasheet Contact Us Page
English | Espanol | Francais | Italiano | русский язык | 日本語 | 中文 | 中文(简体) | Somali | Tagalog
Datasheet ng Kalakhang Seattle
Lokasyon
Demograpiko
Kalidad Ng Pamumuhay
Edukasyon
Mga Pasilidad Sa Komunidad
Ekonomiya
Industriya At Negosyo
Mga Sentro Para Sa Turismo At Kumperensya
Internasyonal Na Komersyo
Transportasyon
Komunikasyon
Gobyerno
Karagdagang Impormasyon

Mga Sentro Para Sa Turismo At Kumperensya

This information is from 2008. Updated information for 2011 will be available soon.

Umaakit ang lugar ng Seattle-King County ng higit sa 9.4 milyong mga bisita taun-taon na gumagastos ng $4.75 billion at nag-aambag ng higit sa $419 milyon na kita mula sa buwis ng estado at lokal. Ang tuwirang paggastos ng mga bisita ay sumusuporta sa 62,000 na mga hanapbuhay sa rehiyon ng Seattle. Ang Daungan ng Seattle ay nakapagtala ng pagdami ng mga barko sa loob ng mga nakaraang taon, na may limang pangunahing cruise lines at tinatantiyang 390,040 pasahero noong 2007 at 434,000 na inaasahan sa 2008.

Ang Washington State Convention & Trade Center, Seattle Center (pinagganapan ng 1962 World's Fair) at ang mga lokal na hotel ay nakatamo ng reputasyon bilang mga nakakapanabik na lugar para sa mga kumperensya, kumbensyon at mga natatanging pagdiriwang. Kabilang sa iba pang mga pasilidad ay ang Bell Harbor International Conference Center, Qwest Field Events Center at Meydenbauer Center sa Bellevue. Para sa impormasyon sa mga panauhin, makipag-ugnayan sa: Seattle's Convention and Visitors Bureau sa(866) 732-2695 o (206) 461-5840 o www.visitseattle.org. Ang Seattle Visitor Center and Concierge Services ay matatagpuan sa Convention Center, na naghahandog ng impormasyon sa Seattle, mga tiket sa mga pasyalan at mga tour booking.

Mga Hotel

Mayroong 11,890 mga hotel room sa pangunahing distrito ng negosyo sa downtown Seattle at higit sa 32,000 mga hotel room sa lugar ng Seattle/County King. Sa 2008 at 2009, halos 1,500 bagong mga guestroom ang inaasahan na magbubukas. Tingnan ang www.seattlesupersaver.com o tumawag sa (800) 535-7071 para sa impormasyon o reserbasyon sa halos 90 hotel sa lugar ng Seattle (ang programa ng Seattle Super Saver ay isang libreng serbisyo para sa reserbasyon na pinangangasiwaan ng Convention and Visitors Bureau ng Seattle).

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Convention and Visitors Bureau ng Seattle.

Mga Restaurant

Ang cuisine o kusina sa lugar ng Seattle ay sikat dahil sa sariwang pagkaing dagat, mga produkto mula sa mga lokal na farm at iba pang mga espesyalidad sa Hilagang Kanluran. Ang malawak na mapagpipilian na mga etnikong restaurant ay kabilang sa higit sa 9,000 restaurant sa Kalakhang Seattle (tingnan ang www.seattle.citysearch.com).

Mga Pangunahing Atraksyon

Kabilang sa mga pinakasikat na atraksyon sa lungsod ay ang Seattle Center at ang Space Needle, Pike Place Market, ang Hiram Chittenden Locks, Woodland Park Zoo, Tillicum Indian Village, Seattle Aquarium, waterfront, lakeside at magagandang mga beach, Pioneer Square, International District, at , mga lokal na winery at brewery. Kasama sa mga panlabas na aktibidad ay ang pagbabangka, pangingisda, golf, mga palakasan sa tubig, hiking, pagbibisikleta, mountain climbing at skiing. Ang Seattle ay matatagpuan sa baybayin ng Lake Washington, Lake Union at Puget Sound, na natatabi sa dalawang pangunahing bundok (ang Olympics at Cascades), habang makikita nang ganap ang Mount Rainier at wala pang isang oras ang layo mula sa kagubatan. Katabi nito ay ang San Juan Islands, mga beach sa Karagatang Pasipiko, at mga pangunahing ilog. Tingnan ang www.visitseattle.org para sa karagdagang impormasyon.

Sining, Kultura at mga Festival

Ayon sa isang pag-aaral noong 2007 ng naka-base sa Washington D.C. na Americans for the Arts, ang Seattle ay nakapuwesto kabilang sa pangunahing 5 lungsod sa Amerika para sa sining at mga negosyo na may kaugnayan sa sining. Kabilang sa mga tanawin sa sining ay ang Seattle Symphony (na nagtatanghal sa Benaroya Hall), Seattle Opera at ang Pacific Northwest Ballet (na nagtatanghal sa Marion Oliver McCaw Hall), napakaraming mga art gallery, ang Seattle Asian Art Museum, ang Experience Music Project rock and roll museum, ang Seattle Art Museum at ang Olympic Sculpture Park (na binuksan sa Seattle waterfront noong Enero ng 2007). Ang Seattle ay sagana sa mga sining ng teatro na may 80 kompanya, kung saan 25 sa mga ito ay propesyonal. Kabilang sa iba pang mga pagdiriwang ng festival ay ang SEAFAIR, Northwest Folklife, Seattle International Film Festival, Bumbershoot Arts Festival, International Children’s Theater Festival, ang Bite of Seattle food festival at Northwest Bookfest. Punong abala ang Seattle sa malalakihang mga konsiyerto ng musika at nagtamo ng internasyonal na atensyon bilang pinagmulan ng makabagong mga grupo ng rock, pop at jazz. Ang Convention & Visitors Bureau ng Seattle ay naghahandog ng malakawan, madaling mahanap na kalendaryo ng mga kaganapan sa web site nito para sa madaling pag-aayos ng bakasyon sa www.visitseattle.org.

Mga Propesyonal na Palakasan

Ang Seattle ang tahanan ng Mariners baseball, Seahawks football, SuperSonics basketball, Seattle Sounders soccer at ang Pandaigdig na Kampeon sa WNBA noong 2004 na Seattle Storm (propesyonal na basketball para sa kababaihan).

*Ipinahayag ng Major League Soccer Association na ang Seattle ay magtatamo ng opisyal na MLS Team sa season ng 2009. Ang pangkat ng Seattle ay maglalaro ng lahat ng mga home match sa Qwest Field.

Ang Epekto ng Pagbibiyahe sa Ekonomiya
Seattle-King County at Estado ng Washington 2007


Seattle-King County

Estado ng Washington*

Patrabaho Sanhi ng Pagbibiyahe

52,100 mga hanapbuhay

149,800 mga hanapbuhay

Gastusin sa Pagbibiyahe

$ 6.85 bilyon

$ 14.81 bilyon

Mga Kita sa Industriya ng Pagbiyahe

$ 2.16 bilyon

$ 4.01 bilyon

Mga Resibo sa Buwis ng Estado

$ 242.2 milyon

$ 827 milyon

Mga Resibo sa Lokal na Buwis

$ 166.1 milyon

$ 254 milyon

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Ang ulat ay ihinanda ni Dean Runyan Assn. para sa Washington State CTED

*Kabilang ang Seattle-King County na statistics

(Makipag-ugnayan sa: www.deanrunyan.com/impactsWA.html)

English | Spanish/Espanol | Francais | Italiano | Russian/русский язык
Japanese/日本語 | Chinese/中文 | Chinese (Modern)/中文(简体)
Somali | Tagalog