Working for a safe, affordable, vibrant, innovative, and interconnected city.
Learn More
Seattle.gov Home Page
Seattle.gov This Department
Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet About Us Page Link to The Greater Seattle Datasheet Contact Us Page
English | Espanol | Francais | Italiano | русский язык | 日本語 | 中文 | 中文(简体) | Somali | Tagalog
Datasheet ng Kalakhang Seattle
Lokasyon
Demograpiko
Kalidad Ng Pamumuhay
Edukasyon
Mga Pasilidad Sa Komunidad
Ekonomiya
Industriya At Negosyo
Mga Sentro Para Sa Turismo At Kumperensya
Internasyonal Na Komersyo
Transportasyon
Komunikasyon
Gobyerno
Karagdagang Impormasyon

Kalidad Ng Pamumuhay

This information is from 2008. Updated information for 2011 will be available soon.

Pinagsasama ng Seattle ang isang nakakamanghang kapaligiran ng kalikasan at ang masiglang metropolitan na sentro na may pang-world class na sining, entertainment, at kusina. Nangunguna ang Seattle sa kadalian nitong matirahan dulot ng katamtaman nitong klima, maraming mapagpipilian na opsyon sa pabahay, sining at kultura, palakasan, entertainment, kasaganaan ng mga tindahan at restaurant at madaling paggamit ng mga panlabas na mga aktibidad na nakalilibang sa anumang panahon. Ang Seattle ay madalas na nalalagay sa puwesto bilang isa sa mga nangungunang lungsod sa Estados Unidos batay sa mga nasabing elemento tulad ng edukasyon, bilang at kalidad ng mga samahan ng sining, paraang makagamit ng wireless na koneksyon sa internet at kapaligiran na madaling gamitin para sa mga naglalakad.

Klima

Ang katamtaman na winter at banayad na summer ay nagbibigay ng pagkakataon upang maisagawa ang mga panlabas na aktibidad. Ang matataas na temperatura sa Hulyo ay karaniwan halos 75° F (24° C), habang ang mababang temperatura sa winter ay bumabagsak mababa sa nagyeyelo na karaniwan sa 15 araw lamang kada taon. Ang tipikal na taunang panahon ng tag-ulan sa Seattle ay 36.2 pulgada (92 sentimetro), na mahahambing sa 19.5 pulgada (50 sentimetro) sa San Francisco, 34.5 pulgada (88 sentimetro) sa Chicago, 39 pulgada (99 sentimetro) sa Washington, DC at 40.3 pulgada (102 sentimetro) sa Lungsod ng New York.

Listahan ng Halaga ng Pamumuhay/Halaga ng Upa ng Opisina, 2007

Mga Pinagkuhanan ng Impormasyon: 2007 cost of living figures from www.finfacts.ie November 2007 office rent data from CB Richard Ellis.

Pabahay
Panggitnaang presyo ng benta ng mga nakatayo nang tirahan para sa isahang pamilya, ika-3 quarter ng 2007 (Dolyar ng Estados Unidos)

Dallas

$150,900

St. Louis

$145,400

Denver

$253,200

Chicago

$276,600

Seattle

$386,900

Washington D.C.

$430,800

New York

$469,700

San Diego

$588,700

San Francisco

$805,400

Pinagkuhanan ng Impormasyon: National Association of Realtors www.realtor.org

Mga Paupahan

Karaniwang halaga ng upa sa apartment sa King County, Marso 2007

Studio $742

Isang-kuwarto $842

Dalawang-kuwarto/Dalawang banyo $1,127

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Central Puget Sound Real Estate Report, Spring 2007

Panggitnaang Kita ng Pamilya
Metropolitan Seattle*

2002 $77,900
2004 $72,600
2006 $74,300
2008 $81,403

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Tanggapan para sa Pabahay at Pag-Unlad ng Lungsod sa Rehiyon (Housing and Urban Development Regional Office)
(Makipag-ugnayan sa: www.huduser.org/)
*Kasama ang Seattle, Bellevue at Everett

English | Spanish/Espanol | Francais | Italiano | Russian/русский язык
Japanese/日本語 | Chinese/中文 | Chinese (Modern)/中文(简体)
Somali | Tagalog