Seattle.gov Home Page
Seattle.gov This Department
Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet Home Page Link to The Greater Seattle Datasheet About Us Page Link to The Greater Seattle Datasheet Contact Us Page
English | Espanol | Francais | Italiano | русский язык | 日本語 | 中文 | 中文(简体) | Somali | Tagalog
Datasheet ng Kalakhang Seattle
Lokasyon
Demograpiko
Kalidad Ng Pamumuhay
Edukasyon
Mga Pasilidad Sa Komunidad
Ekonomiya
Industriya At Negosyo
Mga Sentro Para Sa Turismo At Kumperensya
Internasyonal Na Komersyo
Transportasyon
Komunikasyon
Gobyerno
Karagdagang Impormasyon

Internasyonal Na Komersyo

This information is from 2008. Updated information for 2011 will be available soon.

Madalas na nakakatanggap ang rehiyon ng Kalakhang Seattle ng pagkilala para sa kalidad ng buhay rito at sa pandaigdigang kakayahan nitong makipagkumpetinsya. Kabilang sa mga kalamangan ng rehiyon ay ang naaangkop na lokasyon nito (magkapareho ang distansya mula sa London at Tokyo), makabagong kakayahan sa paggawa at imprastraktura, ang mahalagang bahagi ng makabagong teknolohiya, pakikipagtulungan sa pagitan ng mga sektor ng teknolohiya, iba't ibang pinagmulan sa antas ng ekonomiya (mula sa agrikultura hanggang sa mga serbisyo hanggang sa internasyonal na kalakalan), mga institusyon sa de-kalidad na edukasyon at pag-aalaga ng kalusugan, edukadong mga manggagawa, mga oportunidad na pangkultura at panlibang at ang internasyonal na kasanayan at pananaw ng mga mamamayan nito.

Nangunguna ang Estado ng Washington sa puwesto para sa mga exports per capita ng Estados Unidos, na may halaga na $8,384 noong 2005. Ang halaga ng mga export na nagmula sa Estado ng Washington noong 2007 ay $66.26 bilyon, hindi kabilang ang mga pag-export ng mga computer software (na binibigyang halaga na $5 hanggang $10 bilyon taun-taon), ang mga disenyo ng arkitektura at inhinyerya o iba pang mga propesyonal na serbisyo. Ang internasyonal na kalakal ay umaako sa isa sa bawat tatlong trabaho sa lokal na ekonomiya. Ang mga komersyal na ugnayan sa ibang bansa ay binubuo ng matatag na pambayan, pangkultura at personal na mga ugnayan na kumakabilang sa kaanib na lungsod, kaanib na county, kaanib na daungan, at kaanib na estado sa buong mundo.

Pagtutulungan para sa Pagpapaunlad ng Kalakal sa Kalakhang Seattle

Ang Pagtutulungan para sa Pagpapaunlad ng Kalakal sa Kalakhang Seattle (Trade Development Alliance of Greater Seattle) ay isang pagbabakas ng Lungsod ng Seattle, Lungsod ng Everett, mga daungan ng Seattle, Tacoma at Everett, ang Chamber of Commerce ng Kalakhang Seattle, King County, Snohomish County, Pierce County at pamunuan ng unyon upang itaguyod ang lugar ng Kalakhang Seattle bilang isa sa nangungunang daanan para sa internasyonal na kalakalan at sentro ng kalakalan sa Hilagang Amerika. Ang Trade Alliance ang nagsasaayos ng negosyo, nagiging punong abala para sa mga delegasyong pangkalakalan, at nagkakaloob ng mga impormasyon na may kaugnayan sa kalakal sa rehiyon. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa (206) 389-7301, e-mail: tdags@seattlechamber.com o tingnan ang Trade Alliance web site sa www.seattletradealliance.com.

Pangunahing 10 Partner sa Kalakalan
Batay sa mga export ng taong 2007 na nagmula sa Estado ng Washington, base sa bilyon ng U.S. na dolyar ($)

1. China (Mainland) 9.61
2. Japan 7.71
3. Canada 7.58
4. India 5.77
5. Korea, Republika ng 2.99
6. United Arab Emirates 2.93
7. China (Taiwan) 2.84
8. Ireland 2.39
9. France 2.32
10. Singapore 1.94
KABUUAN NG LAHAT NG BANSA 66.26

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Washington State Department of Community, Trade & Economic Development

Pangunahing 10 Mga Export ayon sa Sektor ng Industriya
Batay sa mga export ng taong 2007 na nagmula sa Estado ng Washington, base sa bilyon ng U.S. na dolyar *

1. Aircraft, Spacecraft at mga Bahagi 41.80
2. Mga Cereal 2.86
3. Oil Seeds, atbp., Sari-saring Grain, Seed Fruit 2.71
4. Mga Makinaryang Pang-Industriya, Kasama na ang mga Computers 2.66
5. Mga Makinaryang De-Kuryente, Sound Equip., Kagamitan sa TV, Mga Piyesa 1.76
6. Optic, Photo atbp., Medikal o Pang-operasyon 1.56
7. Mineral Fuel at Langis 1.12
8. Kahoy at Mga Produkto ng Kahoy 0.85
9. Papel at Paperboard 0.80
10. Inorg Chem; Prec & Rare-Earch Met & Radioact Compd 0.80
KABUUAN NG LAHAT NG INDUSTRIYA 66.26

Pinagkuhanan ng Impormasyon: Washington State Department of Community, Trade & Economic Development, MISER na data

*Hindi kabilang ang halaga ng serbisyo sa export tulad ng software, edukasyon, serbisyong pang-arkitektura at iba pang mga industriya na kinakatawan sa lugar ng Seattle. Tingnan ang: www.cted.wa.gov.

Mga Kaanib na Lungsod ng Seattle

Sa 21 kaanib na lungsod, ang Seattle ang may pangalawang pinakamalaking programa para sa kaanib na lungsod sa Estados Unidos.

Nakalista ayon sa Petsa ng Pagkakatatag

Kobe, Japan (1957)
Bergen, Norway (1967)
Tashkent, Uzbekistan (1973)
Beer Sheva, Israel (1977)
Mazatlan, Mexico (1979)
Nantes, France (1980)
Christchurch, New Zealand (1981)
Mombasa, Kenya (1981)
Chongqing, China (1983)
Reykjavik, Iceland (1986)
Limbe, Cameroon (1984)
Daejon (Taejon), Korea (1989)
Kaohsiung, Taiwan (1991)
Pécs, Hungary (1991)
Cebu, Philippines (1991)
Perugia, Italy (1991)
Surabaya, Indonesia (1992)
Gdynia, Poland (1993)
Haiphong, Vietnam (1996)
Sihanoukville, Cambodia (1999)

English | Spanish/Espanol | Francais | Italiano | Russian/русский язык
Japanese/日本語 | Chinese/中文 | Chinese (Modern)/中文(简体)
Somali | Tagalog